top of page

News and Advisories

FINANCIAL

SECTOR

FORUM

 

 

PAALALA SA MGA DEPOSITORS

 

 

 

 

TANDAAN ANG MGA SUMUSUNOD UPANG MAPANGALAGAAN ANG INYONG DEPOSITO:

 

  • Bangko lamang ang pinahihintulutan ng batas na tumanggap ng deposito mula sa publiko. Kung may pagdududa, maaaring magtanong sa mga ahensiyang nakalista sa ibaba.

 

  • Makipag-transaksyon lamang sa loob ng tanggapan o opisina ng mga bangko at sa kanilang mga empleyado.

 

  • Iba-iba ang interes at kondisyon na inaalok ng mga bangko sa mga deposito.

 

  • Makabubuti na magdeposito sa bangko na ang ibinabayad na interes sa deposito ay di nalalayo sa ibang mga bangko.

 

  • Huwag ipagsapalaran ang inyong deposito sa mga bangko na nagbibigay ng napakataas na interes sa deposito o kaya’y nagbibigay ng mga mamahaling regalo tulad ng kotse, libreng biyahe, at iba pa, upang makakuha ng deposito.

 

  • Kung ang alok ay napakaganda, malamang na ito ay hindi matutupad.

 

  • Itago ang katibayan ng deposito gaya ng passbook o “libreta de banco”, kopya ng “deposit slip”, at sertipiko o katibayan ng “time deposit” sa isang ligtas na lugar.

 

  • Nakaseguro ang deposito sa bangko hanggang P500,000.00 bawat depositor sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

 

Para sa mga karagdagang katanungan, maaari kayong

 

makipag-ugnayan sa mga sumusunod:

 

The Head

 

Financial  Consumer Affairs  Group,

 

Supervision and Examination Sector, BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

 

A. Mabini St., Malate, Manila 1004

 

E-mail: consumeraffairs@bsp.gov.ph • Tel.No.: 524-7011 local 2584

 

The Section Chief

 

Depositors Assistance  Bureau

 

PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORPORATION

 

PDIC Extension Office, 10th  Floor, SSS Building, Ayala Ave. corner V.A. Rufino St., Makati City

E-mail: dab@pdic.gov.ph • Tel. No.: 841-4630 to 31

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • Google Clean
bottom of page