

THE RURAL BANK OF DOLORES, INC.
Click Here to download PDF Copy
P A U N A W A
Bilang tugon sa direktiba ng ating pamahalaan na palawigin pa ang itinakdang ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (ECQ) hanggang April 30, 2020, nais po naming ipabatid na ang pamunuan po ng Rural Bank of Dolores, Inc. ay pananatilihin ang ipinatutupad na “pansamantalang oras ng lahat ng transaksyon ng Bangko” sa aming tanggapan ayon sa mga sumusunod na schedule:
Petsa Oras
April 13 to 30, 2020 9:00 AM to 12:00 PM
May 1, 2020 Regular Holiday
May 4, 2020 8:00 AM- 3:00 PM
Muli pong ipinababatid sa lahat na ang mga nabanggit na “schedule” ay pansamantala lamang at maaaring magbago anumang oras ayon sa sitwasyon at rekomendasyon ng ating pamahalaan at pamunuan ng Rural Bank of Dolores. Ito po ay ayon na rin sa rekomendasyon ng ating pamahalaan na magpatupad ng “SKELETAL WORKFORCE” ang mga pribadong tanggapan na sakop ng ECQ.
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa at pagtangkilik sa Rural Bank of Dolores. Manatili po tayo sa loob ng ating mga tahanan para sa lalong ikabubuti ng lahat. Patuloy po tayong mag-ingat at manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa at tuluyang pagkawala ng sakit na COVID-19. RBD Management